Feeds:
Posts
Comments

Topic: VOIP

Champook: Ano po ba ang VOIP?

Interviewee: Ito po ay Voice Over Internet Protocol, kung saan pwede tumawag gamit ang telepono sa pamamagitan ng Internet.

Champook: Eh pano kung walang Internet?

*lipat channel*

Bakit ba tilang mas madaming magagandang artistang babae noon kaysa ngayon?

Ngayon kasi maraming magkakamukha sa telebisyon – maputi, mahaba ang buhok, mapayat, nangungusap na mga mata. Para tuloy magkakapatid silang lahat at hindi mo na makilala kung iyang babaeng-tumilapon-dahil-sa-mala-hadoukeng-sampal-ng-kontrabida ay si Aida o si Lorna o si Fe.

Eh dati, tipong iba-iba sila ng ganda.

Andiyan si Gloria Romero na kasabayan si Charito Solis na hinabol ni Rosa Rosal na sinundan ni Caridad Sanchez at Nida Blanca na sinabayan din naman ni Nova Villa na tinulak si Madam Auring kaya siya nabundol ni Elizabeth Oropesa, na siyang sumipa ng bola, na dumaan sa mukha ng manghuhula bago pumasok sa goal!

Ano na nga palang pinag-uusapan natin?

classic tanders sign #45

habang nanonood ng Impostora

tere: sino yan?

rissa: sino yan?

kate: sino yan?

SIGN OF AGING: di mo na alam kung sino ang mga artista sa soap operang pinanonood mo — na, btw, ay di mo rin maintindihan ang plot.

Because time is old

Ang puso ko ay nagpupuri, nagpupuri dahil napasama ako dito sa grupo ng mga batang nakakaranas na ng mga signos ng pagkatanda. At siyempre, nagagalak ang aking espiritu at tila bagang gusto ko nang magpatugtog nang awit ni Akon. Pero siyempre, mas uunahin kong patugtugin si Engelbert Humperdinck. Teka, pahinga muna ako. Nangawit ang kamay ko sa pagbaybay ng Humperdinck. Ah, nangawit uli dahil sa pagbaybay ng… ops, ops, ops.

salonpas

iniisip ko na lang kung ano ang maaaring naging buhay ng mga athletes ng sinaunang panahon, noong wala pa ang salonpas at bengay…

hay. salonpas/bengay = ultimate.

yun nga lang, sabi nila, amoy tanders. kebs. sayang lang di ako makakabigwas in response (parang gume-gretchen malalad lang) dahil in the first place e limbs of lead nga naman.

inaantok na ako

Eto ang mga patunay na tanders na ko:

1. tamad na tamad akong magfill-up ng wordpress reg form dito

2. at nung nagawa ko na ngang fill-up-an, sabi sakin registered na ako

3. hinde ko maalala kung ano yung name ng account ko

4. lalong di ko maalala ang password nung said account

5. iniisip ko kung bakit nga ba ako nag-register dito (dati)

6. parang gusto kong magtayp ng ALLCAPS

7. kase nga naman malabo na ang mata ko ngayon

8. at pag ALLCAPS diba parang SUMISIGAW e pag mas MALAKAS ang boses mas rinig ko

9. naduduling ako dito sa monitor di ko alam kung sign of diminishing eyesight or flabbergasted na ako sa makabagong teknolohiya 10 mga kabataan talagaa….

pucha

isa talaga sa mga perks ng trabahong to ang pagsagot ng telepono.

ring!

ako: hello?

tao sa kabila, inglisera nampota: (extra perky, police sirens in background notwithstanding) hello! can i please speak to (itago natin sa pangalang benj. jolabastrax.) ?

ako: (huh?) ah gusto mong kausapin si sir?

tao sa kabila, inglisera nampota: yeaaahhhh!

ako: (huh???) ah okay. i-transfer kita ah.

tao sa kabila, inglisera nampota: thank you! … mwah-mwah!

wtf?!

talagang kelangan may, “mwah-mwah” sa dulo? fuck.

champook

lubos akong nagagalak dahil simula na ito ng mas marami pang timeouts, mga katanders. mabuhay ka, katanders kate! aprub na aprub ako sa layout natin hahaha you are made of tanders win!  nakakarelax ang banner photo, ramdam na ramdam ko ang serenity na dulot niya. parang naririnig ko na ang tawag ng mga anghel na kumakanta ng … “grant me senility within.”

 aaaahhhhhh, this is the tanders timeout life! *sun salute*

 over and out, zzzzzz. :)

teka

actually, natatanders ako kaya wala munang mahabang explanatory post.

laterz. (zzz…)

« Newer Posts